dzme1530.ph

PBBM, kaagad sumabak sa roundtable meeting sa business leaders pagkarating ng Saudi Arabia!

Kaagad sumabak sa roundtable meeting sa business leaders si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pagkarating niya ng Saudi Arabia.

Lumapag sa King Khalid International Airport sa Riyadh ang eroplanong sinakyan ng Pangulo at ng Phlippine delegation, alas 12:56 ng tanghali sa oras ng Saudi Arabia.

Kasunod nito ay lumahok ang Pangulo sa roundtable meeting na pinangasiwaan ng Saudi Ministry of Investment at Dep’t of Trade and Industry.

Sa kanyang statement, inihayag ng Pangulo na umaasa siyang ang meeting ay magbibigay-daan sa pagbuo ng mas marami at mas matatag na partnerships para sa Pilipinas at Saudi Arabia.

Ibinida rin ni Marcos ang tumaas na Gross Domestic Product at Foreign Direct Investments sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa roundtable meeting sina Trade Sec. Alfredo Pascual, Finance Sec. Benjamin Diokno, at Saudi Investment Minister Khalid Al-Falih. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author