dzme1530.ph

Boses at Aral Concert, idaraos sa October 28

Nakatakdang idaos ang Boses at Aral Concert sa music museum sa San Juan City sa October 28.

Pangungunahan ito ng Llavore Music Production na binubuo ng Producer/Host at Composer na si Benz Llavore, Producer/Host na si DJ Josa, stage and Musical Director na si John Sandoval, Renz Spangler na tumatayong PR Director.

Kasama rin ang main artists na sina Arch Lopez, Carlo Coscos, Yen Victoria, at Daryll Tamayo; at front act na sina Jancy Tamares, Jp Morales, Lovern Apa, Senyong T, Jove Evangelio, at Rommel Icban.

Layunin ng concert na ipakilala at ipamalas ang natatanging talento ng newest fresh icons sa show business.

Sa press conference na isinagawa noong Sabado, October 7 sa Lola Ote restaurant sa Quezon City, pinuri ni DJ Josa ang musika bilang isang regalo na nakatutulong upang makapagpasaya ng mga tao.

Tiniyak din ng buong production team sa mga manunuod na magugustuhan ng mga ito ang kanilang inihandang mga awitin na mula sa puso. –Sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author