dzme1530.ph

VP Sara Duterte, nagpa-abot ng pagbati sa pagdiriwang ng ika-66 kaarawan ni PBBM

Nagpa-abot ng pagbati si Vice President Sara Duterte kaugnay sa pagdiriwang ng ika-66 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.

Sa isang video message sa kaniyang Facebook page, hiniling ni Duterte ang tagumpay ni Marcos bilang Pangulo, dahil ibig sabihin din aniya nito ay ang tagumpay ng Pilipinas at ng bawat Pilipino.

Bukod dito, hiling din ng Pangalawang Pangulo ang kasaganahan, kasiyahan, at magandang kalusugan ng punong ehekutibo.

Nagpahayag din ng “warm greetings” ang mga taga-suporta ni Marcos sa pamamagitan ng 10 satellite offices ng Office of the Vice President.

Nabatid na bibyahe patungong Singapore si Pangulong Marcos para sa 10th Asia Summit at Formula One Grand Prix 2023 ngayong araw. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author