dzme1530.ph

Isang prime witness sa pangmamaltrato sa isang kasambahay, pinagtangkaang patayin!

Kinumpirma ni Senador Francis Tolentino na tinangkang patayin ang testigo sa pangmamaltrato sa isang kasambahay sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Sinabi ni Tolentino na batay sa impormasyong kanyang nakuha kay Police BGen. Joel Doria, Director ng PNP Regional Office 4B o MIMAROPA, pinasok ng dalawang lalaking naka-bonet ang tinutuluyan ni alyas “Dodong” sa Palauan, Mindoro Occidental.

Nakatakda sanang tumestigo si Dodong sa Senado ukol sa imbestigasyon ng pangmamaltrato at pambubugbog ng kanyang mga amo sa kasambahay na si Elvie Vergara.

Iginiit ng senador na pinaputukan ng mga suspek si Dodong pero sa kabutihang palad ay hindi ito natamaan at ngayon ay nasa ligtas nang lugar.

Nanawagan naman si Tolentino sa PNP na tiyakin ang kaligtasan nina Vergara at Dodong. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author