dzme1530.ph

23 POGO workers, naghain ng not guilty plea sa korte sa Pasay

Naghain ng not guilty plea ang 23 indibidwal na umano’y sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa isang korte sa Pasay.

Sinabi ni Atty. Gloria Quintos, legal counsel ng 18 sa mga respondent, na nagpasok ng not guilty plea ang POGO workers sa Pasay Regional Trial Court Branch 111 kaugnay ng paglabag sa Republic Act (RA) 8799 o Securities Regulation Code in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Quintos, hindi pinayagan ang kanyang mga kliyente na dumalo ng personal kaya nag-video conference nalang ang mga ito.

Humirit naman ang limang iba pang respondents na ipagpaliban ang kanilang arraignment habang naghahanap pa sila ng accredited interpreter.

Itinakda ang susunod na hearing sa Sept. 6, araw ng Miyerkules. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author