dzme1530.ph

Urban-and-environment planner expert, pabor sa pagtatayo ng reclamation sites sa bansa

Ipinaliwanag ng kilalang Urban-and-environment planner expert ang kahalagahan at maitutulong ng reclamation at man-made islands sa isang bansa.

Ayon kay Architect Jun Palafox, halos lahat ng progresibong bansa at lungsod sa mundo ay gumagawa na rin nito upang makadagdag sa urban land supply; makaakit ng mas maraming negosyo; at makalikha ng trabaho para sa mga mamamayan.

Maaari aniya itong planuhin at i-disenyo bilang tugon sa sea-level rise o ang pagtaas ng lebel ng dagat, upang masigurong ligtas ang mga komunidad na nakatira sa mga baybaying dagat.

Ginagawa rin ito bilang natural wave breakers o panangga sa malalaking alon sa tuwing may storm surge at tsunami.

Gayunman, nilinaw ng eksperto na ang mga ganitong proyekto ay dapat na pinaplano at idinidisenyo ng tama para masigurong matutugunan ang lahat ng environmental at security concerns ng mga kritiko. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author