dzme1530.ph

Bilang ng mga aspirante na naghain ng COC para sa Barangay at SK Elections, umabot na sa mahigit 273,000

Umabot na sa 273,454 ang mga aspirante na naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COC) para sa October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon sa COMELEC, ang naturang bilang ay kumakatawan sa 35.23% ng 672,016 na pupunang posisyon para sa 2023 BSKE.

Sa datos mula sa poll body, kabuuang 21,657 ang naghain ng COC sa pagka-barangay chairman habang 143,638 sa pagka-barangay kagawad.

Samantala, 17,085 naman ang nagsumite ng kandidatura para sa SK Chairman habang 91,071 na iba pa bilang SK Members.

Nagsimula ang filing ng COC noong Lunes, Aug. 28 at magtatapos sa Sept. 2. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author