Kanselado pa rin ang klase sa ilang paaralan sa bansa ngayong araw ng Miyerkoles, August 30, dahil pa rin sa bagyong Goring.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng kanselasyon ng pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan ang mga sumusunod na lugar:
-Cagayan;
-Dagupan City;
-Magsingal, Ilocos Sur;
-Dumangas, Iloilo; gayundin sa
-Lungsod ng Bago, Himamaylan, Pontevedra, Talisay sa Negros Occidental at,
-Bacolod City.