dzme1530.ph

2 bagyo posibleng sabay manalasa sa bansa ngayong araw!

Patuloy na nananalasa ang Super Typhoon Goring sa Batanes at Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa coastal waters ng Sabtang, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 195 kilometers per hour malapit sa sentro at may pagbugsong aabot sa 240 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour na inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas bukas.

Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 4 sa Southern Batanes at Northern portion ng Babuyan Islands.

Signal number 3 sa nalalabing bahagi ng Batanes, at timog-kanlurang bahagi ng Babuyan Islands kabilang ang Fuga Island at Dalupiri Island.

Signal number 2 sa Rest of Babuyan Islands, northern portions ng mainland Cagayan at Ilocos Norte.

Habang Signal number 1 naman sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, northern portions ng Kalinga, at Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at extreme northern portion ng Ilocos Sur.

Ngayong umaga inaasahan namang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang isa pang bagyo na papangalanang Hanna.

Ayon sa PAGASA, kikilos ang bagyong Hanna pa hilaga-kanluran mula Philippine Sea patungong Southern Islands ng Japan.

Wala anilang magiging direktang epekto sa Pilipinas ang bagyo, pero asahan pa rin na palalakasin nito ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

About The Author