Nadagdagan pa ang bilang ng mga na-apektuhang indibidwal bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong Goring.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang alas-8 ng umaga, pumalo na sa 19,370 families o katumbas ng 63,565 individuals ang apektado ng masamang lagay ng panahon, na mula sa Region 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region, CALABARZON, MIMAROPA, at Region 6.
Inilikas naman ang 24,972 na indibidwal kung saan 14,856 dito ang nasa evacuation centers at 10,116 ang pansamantalang nanirahan sa ibang lugar o sa mga ka-anak.
Samantala, pumalo na sa P41,175,000 ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura at nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng P979,000 na halaga ng tulong sa mga biktima ng naturang bagyo. —sa panulat ni Airiam Sancho