dzme1530.ph

DMW Sec. Susan “Toots” Ople, pumanaw na sa edad na 61

Pumanaw na si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa edad na 61.

Sa official statement ng ahensya, sumakabilang buhay ang kalihim dakong ala-1:00 ng hapon kanina, Agosto 22.

Una nang isiniwalat ni Ople na nakipaglaban siya sa stage 2 breast cancer, tatlong taon na ang nakalipas at sumailalim sa surgery noong February 26, 2020.

Nabatid na noong July 25, 2023, inanunsyo ng DMW Secretary na sasailalim siya sa 2-week wellness leave dahil sa magkasunod na pagkamatay ng kanyang dalawang kapatid na lalaki na sina former Hagonoy, Bulacan mayor Felix “Toti” Ople, at former journalist Blas F. Ople, Jr. parehong dahil sa lung cancer.

Sa ngayon, humihingi ng panalangin ang pamilya ni Ople.

About The Author