dzme1530.ph

Canada, nagpakalat ng mga sundalo para sa force evacuation dahil sa wildfire

Ipinakalat ni Prime Minister Justin Trudeau ang mga sundalo sa Canada para sa force evacuation bunsod ng pananalasa ng wildfire.

Ayon kay Trudeau, mahalagang gumamit ng pwersa dahil marami pa ring mga residente ang nagmamatigas na hindi umalis sa Mcdougall Creek, sa Kelowna City.

Napag-alaman na aabot sa 35,000 na mga indibidwal ang pinalilikas na sa naturang lugar.

Tiniyak naman ni Trudeau na magpapadala sila ng tulong sa mga biktima ng wilfire. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author