dzme1530.ph

Gilas Pilipinas, pinayuko ng Mexico sa kanilang tune-up game bago ang World Cup

Bigo ang Gilas Pilipinas sa final tune-up game laban sa Mexico sa score na 84-77, bago ang nalalapit na pagsisimula ng 2023 FIBA World Cup sa Biyernes, Aug. 25.

Hindi kabilang sa line-up kagabi sina Filipino-American Guard Jordan Clarkson at Bobby Ray Parks Jr.

Ginanap ang closed door game sa PhilSports Arena, sa Pasig City.

Pinangunahan ni Scottie Thompson ang Gilas sa kanyang 14 points, 6 rebounds at 5 assists sa kanyang paglalaro sa loob ng 23 minutes habang nag-ambag sina Roger Pogoy at Dwight Ramos ng tig-9 na puntos. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author