dzme1530.ph

Taas-singil sa presyo ng petrolyo, inilarga na!

Epektibo na ngayong araw ang taas-presyo sa produktong petrolyo ng ilang kumpaniya ng langis.

P1.10 ang itinaas sa kada litro ng gasolina habang P0.20 per liter ang dagdag-presyo sa diesel.

Nasa P0.70 naman ang taas-singil sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ito na ang ika-anim na linggo na nagpatupad ng taas-presyo sa gasolina at ika-pitong sunod na linggong oil price hike sa diesel at kerosene.

Iniuugnay ang oil price adjustment sa pagbabawas ng produksyon ng langis ng Saudi Arabia at Russia gayundin ang pagkaroon ng mataas na demand ng krudo sa Amerika.

Sa kasalukuyan may kabuuan o total net increase na P13.40 sa kada litro ng gasolina, P8.60 sa diesel at P5.14 sa kerosene ang bansa.

About The Author