dzme1530.ph

Death toll dahil sa Habagat, bagyong Egay at Falcon, pumalo sa 30

Sumampa na sa 30 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Southwest Monsoon o Habagat at nagdaang bagyong Egay at Falcon.

Batay sa latest bulletin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang alas-8 ng umaga, apat sa nasabing bilang ang kumpirmadong namatay habang 26 na iba pa ang bine-verify.

Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 171 sugatan kung saan 152 rito ang kumpirmado at 19 ang inaalam pa, habang bumaba sa 10 ang indibidwal na nawawala.

Pumalo naman sa 871, 407 families’ o katumbas ng 3, 249, 796 individuals ang naapektuhan ng bagyong Egay, Falcon at Habagat.

Nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng mahigit P370-M na halaga ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon.

Samantala, tinatayang aabot sa mahigit P3-B ang halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura habang mahigit P3.6-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author