dzme1530.ph

Presyo ng ilang pangunahing bilihin gaya ng bigas, pulang asukal at bangus, tumaas

Nagmahal ang presyo ng ilang pangunahing bilihin gaya ng bigas, pulang asukal at bangus ngayong Hunyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, nasa P0.07 hanggang P1.00 ang itinaas ng regular milled rice sa walong trading centers.

Nadagdagan din ng P0.25 hanggang P0.50 ang presyo ng kada kilo ng bangus sa pito namang trading centers.

Habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng pulang asukal sa P0.25 hanggang P6.00 kada kilo.

Ayon sa PSA, inflation ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng ilang agri-products sa bansa.

About The Author