dzme1530.ph

75 tauhan ng Bayawan PNP, pinalitan na

Pitumpu’t limang tauhan ng Bayawan City Police Station ang pinalitan kasama ang kanilang hepe kasunod ng madugong insidente na ikinasawi ni Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Red Maranan, itinalaga bilang bagong Chief of Police ng Bayawan City si Police Lieutenant Colonel Stephen Ammaguid, na kapalit ni police Lieutenant Colonel Rex Aboy Moslares.

Nabatid na alinsunod sa utos ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang nangyaring balasahan sa Bayawan PNP sa gitna ng patuloy na imbestigasyon sa pamamaril kay Governor Degamo.

Una nang inamin ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nagkaroon ng kapabayaan sa pagpapatupad ng seguridad na naging daan para maganap ang krimen.

About The Author