![]()
Nagsimula na ring mag-inspeksyon ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB sa mga transport terminals sa Metro Manila sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero para sa Undas.
Pinaalalahanan ng MTRCB ang mga bus operators at drivers na magpalabas lamang ng mga age-appropriate content na mga pelikula.
Layunin ng spot inspections na matiyak na ang mga pelikula at ibang video content na ipapalabas sa mga bus ay sumusunod sa mga regulasyon, partikular para sa mga pamilya at bata na inaasahang bibiyahe para sa Undas holiday.
Hinikayat ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto ang mga transport terminals at operators na makipagtulungan sa ahensya upang matiyak na nararapat para sa mas batang pasahero ang mga content na ipalalabas sa mga sasakyan.
