![]()
Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na suspendido ang implementasyon ng number coding scheme sa Lunes, November 2.
Ang November 2, All Souls’ Day, ay deklaradong special non-working holiday.
Ipinaliwanag ng MMDA na awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing regular at special non-working holidays.
Samantala, inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX na aabot sa 1.9 million ang mga pasahero ngayong Undas break.
