dzme1530.ph

VP SARA, HINAMONG IPALIWANAG ANG SARILI NIYANG MALETA

Loading

Pinayuhan ngayon ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio si VP Sara Duterte na sa halip na magturo sa iba, ipaliwanag niya ang sarili niyang maleta.

Hamon pa ni Tinio, ipaliwanag ni Duterte ang bilyon-bilyong piso na unexplained wealth na pumasok at lumabas sa kanyang mga bank accounts na hindi dineklara sa kanyang SALN.

Pinayuhan din nito na isauli na ang kabuuang P448-M na confidential funds na pinababalik sa kanya ng COA.

Pinasaringan pa nito ang Bise Presidente na may pera naman pala ito para mamasyal sa Europa at Asya nang walang gastos ang gobyerno.

Sabi pa ni Tinio, sana gamitin na lang ni VP Sara ang pera upang bayaran ang gobyerno sa kanyang pananagutan sa kaban ng bayan.

Matatandaang humingi ng travel clearance si Sara sa Palasyo para makabiyahe sa The Netherlands, Republic of Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom.

Ang leave of absence mula April 23 to May 15, 2026 ay wala umanong gastos ang pamahalaan.

About The Author