dzme1530.ph

53 NPA members, patay sa week-long operations ng AFP kontra terorista

Umabot sa mahigit 50 ang bilang ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na na–neutralized ng militar sa kanilang isinagawang week-long operations ngayong buwan.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nakumpiska sa 53 napatay na NPA members ang 66 high powered firearms, mga bala, pampasabog at iba pa.

Samantala, bukod sa mga napatay, 17 miyembro ng NPA mula sa Davao de Oro; Sorsogon; North Cotabato; Camarines Sur; at Northern Samar ang nagbalik loob na sa pamahalaan.

Habang 22 miyembro naman ng Abu Sayyaf ang sumuko sa Indanan, Sulu.

Ayon sa AFP, mas matindi pa ang kanilang gagawing pagbabantay at opensiba laban sa mga tinaguriang terorista upang mapanatili ang kapayapaan sa buong bansa.

About The Author