dzme1530.ph

Pagsampal-sampal sa mukha, isa sa pinakamahal na Anti-aging treatment sa USA

Karaniwan ipinapayo ng mga Dermatology Clinic para sa anti- aging treatments  ay ang skin rejuvenation, chemical peels at marami pang iba.

Aba’y ibahin niyo ang isang massage parlor sa San Francisco, USA dahil ang kanilang anti –aging treatment ay pagsampal lang naman sa mukha ng mga customers.

Ito ay para umano maging maganda at mawala ang mga wrinkles sa mukha ng isang tao, nakuha nila ang ideyang ito sa isang massage parlor sa Bangkok, Thailand kung saan ang bahagyang pagsampal umano sa mukha ang sikreto ng pagkakaroon ng baby face.

Sa kasamaang palad ang treatment na ito ay hindi para sa lahat, bukod kase sa hindi ito pwede sa mga customers na masyadong  sensitibo, masyado din kase itong mahal para sa nasabing treatment, nagkakahalaga lang naman kasi ng $350 ang bawat 15 minutes session nito.

About The Author