dzme1530.ph

3 minero, patay nang makalanghap ng nakalalasong gas sa Davao de Oro

Tatlong minero ang nasawi makaraang makalanghap ng nakalalasong gas habang nagta-trabaho sa loob ng isang tunnel sa Bayan ng Pantukan, sa davao de Oro.

Kinilala ng Pantukan Police ang mga ito na sina Jelbert Lastimado, 25 anyos; Ariel Jayson, 23 anyos; at Julito Torifiel, 25 anyos.

Ayon sa pulisya, isa sa mga biktima ang naunang pumasok sa tunnel nang bigla itong mag-collapse dahilan para kuhanin ito ng dalawang iba pa, subalit maging ang mga ito ay na-suffocate din at bumagsak.

Naialis ang katawan ng tatlong minero mula sa tunnel ilang oras matapos ang insidente.

Karaniwan na ang mga aksidente sa minahan sa Pantukan at iba pang lugar na mayaman sa ginto sa Davao de Oro kung saan talamak ang small-scale mining operations sa kabila ng mga hakbang ng pamahalaan na i-regulate ang mga naturang aktibidad.

About The Author