![]()
Tiniyak ng Department of Budget and Management (DBM) ang kahandaan ng Quick Response Funds (QRFs) para sa mga concerned agency upang masuportahan ang disaster response efforts sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.
Sinabi ng kagawaran na nananatiling available ang QRFs ng lahat ng implementing agencies at maaaring gamitin agad para sa disaster response at relief operations.
Idinagdag ng DBM na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya at naka-standby sila para sa pagproseso ng anumang request para sa QRF replenishment.
Ito ay upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mga tulong sa mga naapektuhang komunidad.
