dzme1530.ph

INFLUENZA VACCINES, SISIMULANG I-ROLLOUT NG DOH NGAYONG LINGGO

Loading

SISIMULAN ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng influenza vaccines ngayong linggo, ayon kay Health Secretary Edwin Mercado.
 
Ito aniya ay matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 11,137 na influenza-like illnesses (ILI) cases noong nakaraang linggo, na mas mataas ng 8% mula sa 10,278 cases na nai-record noong Sept. 13 hanggang 16.
 
Gayunman, sinabi ni Mercado na ang kabuuang kaso simula noong Enero hanggang noong nakaraang linggo ay nananatiling mas mababa kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
 
Ipinaliwanag ng kalihim na ang respiratory droplets mula sa pag-ubo at pagbahing, pati na paghawak sa mga kontaminadong bagay, ay maaaring mag-contribute sa paglaganap ng respiratory infections.
 
Idinagdag ni Mercado na uunahin sa iro-roll out na influenza vaccines ang vulnerable sectors.

About The Author