dzme1530.ph

HOLLYWOOD ACTOR TOM SKERRITT, PUMANAW SA EDAD NA 93

Loading

Pumanaw na ang versatile actor na si Tom Skerritt, na bumida sa Hollywood megahits, kabilang ang sci-fi classic na “Alien” at action drama na “Top Gun,” sa edad na 93.
 
Si Skerritt, isang Detroit native na ang career ay tumagal simula 1960s hanggang 2020s, ay binawian ng buhay dahil sa natural causes, ayon sa kanyang pamilya.
 
Kilala sa kanyang rugged good looks at abilidad na magningning sa iba’t ibang genres, ibinahagi ng aktor ang memorable performances sa leading at supporting roles sa mga pelikula at telebisyon.
 
Ilan pa sa mga pelikula ni Skerritt ay ang “The Turning Point,” “Ice Castles,” “The Dead Zone,” “Tears of the Sun,” at “Ted.”

About The Author