![]()
Patuloy na iniimbestigahan ng Philippine National Police ang impormasyon na nakalabas na ng bansa ang puganteng negosyante na si Charlie Atong Ang sa pamamagitan ng backdoor exit.
Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Allen Rae Co, nakikipag-ugnayan na sila sa iba pang ahensya ng gobyerno upang makumpirma ang sinasabing pag-alis ng bansa ni Ang.
Una nang kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nakatakas na si Ang palabas ng bansa.
Kinontra naman ito ng Department of Justice at iginiit na nananatili pa rin sa Pilipinas si Ang batay sa mga dokumento at verified report mula sa Bureau of Immigration.
