DZME1530

32 milyong mga sim card, rehistrado na.

Umabot na mahigit 32 milyong SIM Card ang na-irehistro na hanggang noong pebrero a-dose, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ng DICT na kumakatawan ito sa halos 19% ng kabuuang 168.98 milyong bilang ng ma SIM card sa bansa.

Ang Smart Communications ay mayroon nang 16,477,229 registered sims na kumakatawan sa 24.23% ng 67,995,734 subscribers ng kumpanya.

Nakapagtala naman ang Globe Telecom ng 13,132,454 registered sims o 14.94% ng kanilang 87,873,936 subscribers habang ang DITO Telecommunity ay mayroon nang 2,452,582 sims na nairehistro o 18.71% ng 13,108,103 subscribers.

Patuloy ang panawagan ng DICT sa publiko na magparehistro ng maaga upang maiwasan ang user traffic o pagdagsa ng mga magpaparehistro habang papalapit ang Abril 26 na deadline.

About The Author