dzme1530.ph

PROSECUTION, MAGPIPRISINTA NG 100 WITNESSES SA TRIAL NI DATING PANGULONG DUTERTE SA KASONG CRIMES AGAINST HUMANITY

Loading

INAASAHANG magpiprisinta ang prosecution team ng mahigit 100 witnesses sa trial ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa tagapagsalita ng International Criminal Court (ICC).
 
Itinakda ang pagsisimula ng paglilitis sa dating Pangulo sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong war on drugs, sa Nov. 30.
 
Sinabi ni ICC spokesperson Oriane Maillet na bagaman nasa 100 ang inaasahang magpa-participate, pinayagan ng korte ang mahigit 500 na mga biktima na makibahagi sa pamamagitan ng legal representatives.
 
Pagkatapos ng prosecution ay bibigyan naman ang depensa ng pagkakataon para iprisinta ang sarili nilang mga ebidensya at mga testigo.
 
Idinagdag ni Maillet na nakadepende pa rin ang exact duration ng trial sa iba’t ibang factors, gaya ng bilang ng mga testigo at dami ng ebidensya.

About The Author