dzme1530.ph

MGA ALEGASYON NI RAMIL MADRIAGA, TINAWAG NA PURE FICTION

Loading

Tinawag na “pure fiction” o kathang isip lamang ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga pahayag ni Ramil Madriaga na nagpakilalang dating tauhan at bagman ng opisyal.
 
Ayon kay Atty. Salvador Panelo Jr., legal counsel ni Duterte, hindi kapani-paniwala ang pahayag ni Madriaga kaugnay sa sinasabi niyang secret term-sharing agreement, planong pagpapatalsik at assassination plots laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Tiniyak ni Panelo Jr. na handa silang sagutin ang mga anya’y “delusional” claims ni Madriaga.
 
Una nang sinabi ni Madriaga sa kanyang handwritten letter na noong 2025 plinano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na alisin sa pwesto si Marcos upang maipalit ang kanyang anak na si Vice President Sara.
 
Kumpiyansa si Panelo na mapatutunayan nila ang kawalan ng kredibilidad ni Madriaga sa pagharap sa pagdinig sa Kamara.

About The Author