![]()
Mahilig ka ba sa kanin, tinapay, pasta, matatamis na inumin, at iba pang pagkain na may carbohydrates?
Bagama’t mahalaga ang carbs bilang pinagmumulan ng enerhiya ng katawan, ang sobrang pagkonsumo nito, lalo na ng refined carbs at added sugar, ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan.
Ang carbohydrates ay nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng enerhiya ng katawan at tumutulong sa paggana ng utak, muscles, at iba pang organ.
Pero paano nga ba malalaman kung sumosobra na sa carbohydrates?
Una, madalas na pagkagutom at pagnanais kumain ng matatamis.
Pangalawa, madalas na pagkapagod at pagkaantok.
Ikatlo, pagdagdag ng timbang o paglaki ng waistline.
Ikaapat, hirap kontrolin ang blood sugar.
Ikalima, pagiging iritable at pagbabago ng mood.
Ikaanim, problema sa pagtulog.
Paalala ng mga nutrition experts, hindi carbohydrates ang kalaban ng kalusugan. Ang sobrang dami, lalo na ng refined carbs at added sugar, ang dapat bantayan. Sa tamang pagpili ng pagkain, portion control, at balanse at masustansyang diet, makakakuha ng sapat na enerhiya ang katawan nang hindi isinasantabi ang kalusugan.
