![]()
Hinamon ng Malacañang si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na maunang mag-donate ng ₱170,000 para tulungan ang bansa na magbayad ng pambansang utang.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na maaaring maging halimbawa si Cayetano para sa ibang mga Pilipino na may mababait na puso na boluntaryong mag-donate sa gobyerno, bukod sa pagbabayad ng buwis.
Pinalutang ng senador ang ideya na boluntaryong mag-ambagan ang mga Pilipino ng ₱170,000 para mabayaran ang ₱19.66 trillion na utang ng bansa.
