dzme1530.ph

ILANG AYUDA PROGRAMS NG GOBYERNO, MAAARI NANG ISTREAMLINE

Loading

BAGAMA’T aminadong may mga dapat nang alisin, iginiit ni Executive Secretary Ralph Recto na mahalaga pa rin ang mga ayuda programs sa mamamayan.
 
Sa panayam sa Senado matapos ang budget deliberations, sinabi ni Recto na suportado nila ang panawagan ni Senador Panfilo Lacson na pag-aralan ang implementasyon ng ayuda programs.
 
Gayunman, binigyang-diin niya na nakatutulong ang mga ayuda programs sa mga naapektuhan ng mga gyera, gayundin sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin at inflation rate.
 
Nilinaw naman niya na ang pondo para sa ayuda sa susunod na taon ay wala pang 1% ng gross domestic product ng bansa.

About The Author