Dalawa katao ang patay matapos bumagsak ang isang Cessna plane sa Barangay Libsong East, sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon sa Lingayen Police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng piloto at student pilot ng aircraft.
Nangyari ang insidente dakong alas-9 ng umaga kahapon.
Nag-take off ang Cessna mula sa Lingayen Airport bago ito nawala sa altitude at pasubsob na bumagsak sa maputik na lugar.
Inihayag naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng insidente.