dzme1530.ph

17 katao, patay sa matinding snow sa Japan

Patay ang labing-pitong katao dahil sa matinding pag-ulan ng niyebe o snow sa Japan sa harap ng winter season.

Ayon sa Japanese Government, ang mga biktima ay nasawi sa loob ng nagdaang sampung araw.

Bukod dito, libu-libong residente rin ang nawalan ng kuryente sa Hokkaido at iba pang lugar.

Patuloy namang pinaiiwas ng Japan Weather Agency ang publiko sa pag-biyahe dahil baka ma-stranded lamang sila sa daan.

About The Author