dzme1530.ph

Scottie Thompson at Justin Brownlee ng Barangay Ginebra nangunguna bilang Best Player at Best Import Race

Nangunguna ang Barangay Ginebra stars na sina Scottie Thompson at Justin Brownlee sa Top Individual Awards sa 2022 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Sa pagtatapos ng semifinals, nangunguna si Brownlee sa Best Import Race na may 52.70 statistical points, at malayo ang agwat nito sa pumapangalawang si Nick Rakocevic ng Magnolia na may 45.5 points.

Sa Best Player of the Conference Race, pumapangalawa si Thompson na may 32.1 statistical points, at mas lumaki pa ang kanyang tyansa sa award matapos hindi makapasok sa semis ang nangungunang si Robert Bolick ng Northport Batang Pier na may 33.9 points.

Ang Barangay Ginebra ay kasalukuyang nasa Best-of-7 Finals Series kontra sa guest team Bay Area Dragons, at nakuha na nila ang Game 1.

Gaganapin ang awarding ceremony bago magsimula ang Game 4 sa January 6 sa susunod na taon.

About The Author