dzme1530.ph

14 katao, patay sa aksidente ng bus sa Thailand

Patay ang 14 na katao habang 32 ang sugatan matapos bumangga ang double-decker bus sa isang puno sa Thailand.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, galing ito sa bangkok nang sumalpok sa isang puno sa Prachuap Khiri Khan Province.

Sa lakas ng impact ng pagbangga, nahati sa gitna ang bahagi ng bus kung saan nanatili sa gitna nito ang puno.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan ng aksidente. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author