![]()
Inanunsyo ng concert organizer na Three Angles Production na canceled ang 10th Anniversary Manila Fan Concert (Very Merry Party) ng K-pop group na MOMOLAND.
Sa statement na naka-post sa kanilang social media pages, sinabi ng organizer na hindi na matutuloy ang event sa Aug. 8 sa FYM Hall, EVM Convention Center sa Quezon City, “due to unforeseen circumstances.”
Humingi ng paumanhin at pang-unawa ang organizer sa fans na excited na maipagdiwang ang milestone ng grupo sa Pilipinas.
Ayon sa organizer, ang refund instructions at corresponding timeline ay direktang ipapadala sa buyers sa pamamagitan ng kanilang registered email addresses.
Naka-share din ang announcement sa official social media pages ng MOMOLAND, na huling bumisita sa bansa noong 2022 para sa isang special event.
