dzme1530.ph

₱6M pabuya para sa mga suspek sa pagkawala ng mga sabungero alok ng Gobyerno

May be an image of 12 people, people standing and indoor
📷 Courtesy of Department of Justice

Anim na milyong pisong pabuya ang alok ng pamahalaan para sa makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguan ng anim na suspek sa pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ipinagpapatuloy nila ang malawakang paghahanap sa anim pang sangkot sa pagkawala ng mga sabungero, kaya nag-alok sila ng anim na milyong pisong reward para sa ikaaaresto ng mga suspek.

Una nang nakipagpulong si remulla sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group at sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Tiniyak din ng kalihim na makaaasa ang pamilya ng mga nawawala na ginagawa ng autoridad ang lahat upang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay, maging ang pagsugpo sa mga kahalintulad na krimen.

Samantala, inihayag naman ni CIDG Chief, Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na mayroon na silang ideya tungkol sa mastermind sa naturang krimen.

About The Author