dzme1530.ph

ZALDY CO, HUMIRIT NG POLITICAL ASYLUM SA FRANCE

Loading

Kinumpirma ni Palace Press Officer Usec Claire Castro na naghain ng petition for political asylum si dating Cong Zaldy Co sa France.

Sinabi ni Castro na hiniling na ng French government na dalhin sa kanila si Co habang nakapending ang petisyon.

Naniniwala naman si Castro na hindi makikialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa magiging desisyon ng France.

Idinagdag pa ni Castro na patuloy namang pinag-aaralan ang magiging hakbang ng gobyerno alinsunod sa European Union laws at member-state legal processes.

Sinabi pa ng opisyal na gagamitin ng bansa ang lahat ng legal channel sa ilalim ng international law upang mapauwi si Co.

About The Author