![]()
Bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Batay sa tugon ng survey ng OCTA Research, bumaba sa 35 percent ang self-rated poverty rate noong Marso 2026 mula sa 37 percent noong December 2025.
Katumbas ito ng 9.2 milyong pamilyang Pilipino na itinuturing ang kanilang sarili na mahirap kumpara sa 9.8 milyon noong December.
Nasa 24 percent naman ng mga respondents ang nagsabi na hindi sila mahirap habang 41 percent ang hindi makapagsabi kung sila ay mahirap o hindi.
Pinakamataas ang self-rated poverty sa Mindanao na may 56 percent at sinundan ng Visayas na may 44 percent.
