![]()
Kinumpirma ni Jillian Ward na siya ay in a relationship, kasabay ng paglalarawan sa kanyang love life bilang “low-key.”
Gayunman, hindi pinangalanan ng 21-year-old actress ang kanyang boyfriend.
Ginawa ni Jillian ang pag-amin nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan tinalakay din niya ang latest song na “Lowkey.”
Aniya, ang kanta ay sumasalamin sa kanyang mga karanasan, partikular sa kanyang current love life, na inaasahang babalikan niya kapag siya ay tumanda na.
Ipinaliwanag ng aktres na mas gusto niyang manatiling pribado at malayo sa mata ng publiko ang kanyang buhay pag-ibig.
Inamin ni Jillian na in love siya ngayon at ang pagkakaroon ng karelasyon ay nagbibigay sa kanya ng karagdagang inspirasyon at paalala na ang buhay ay hindi puro trabaho.
