dzme1530.ph

SIYAM NA CABINET MEMBERS AT ISANG DIRECTOR, NANUMPA BILANG AD-INTERIM APPPOINTEES NI PBBM

Loading

Siyam na Cabinet members at isang director ang nanumpa sa tungkulin bilang mga appointees ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang dito sina Executive Secretary Ralph Recto, Budget Secretary Kim Robert de Leon, Environment Secretary Juan Miguel Cuna, Justice Secretary Frederick Vida, Health Secretary Edwin Mercado, Labor Secretary Francis Tolentino, Tourism Secretary Maria Bernardita Mathay, Transportation Secretary Vince Dizon, Public Works Secretary Giovanni Lopez at Philippine Space Agency Director General Gay Jane Perez.

Ayon kay Recto, ang oath-taking na ito ay nangangahulugang ad interim appointee sila at kinakailangan pang sumalang sa confirmation process ng Commission on Appointments.

Kinumpirma rin ni Recto na naisumite na nila sa CA ang kanilang mga dokumento.

Ang ad-interim appointment ay mga opisyal na itinalaga ng Pangulo habang naka-recess ang Kongreso upang agad silang manungkulan kahit wala pang kumpirmasyon mula sa CA.

About The Author