dzme1530.ph

REPORMA SA JUSTICE SYSTEM SA BANSA, MALAKING HAMON SA BAGONG CHIEF JUSTICE

Loading

HINAMON ni Senador Kiko Pangilinan ang bagong hirang na Punong Mahistrado ng Korte Suprema na si Rodil Zalameda na pangunahan ang pagpapatupad ng reporma sa justice system ng bansa.
 
Iginiit ng senador na hamon ngayon kay Zalameda na maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng publiko sa hudikatura.
 
Binigyang-diin ni Pangilinan na dapat bigyang-prayoridad ng bagong Chief Justice na mabawasan ang napakalaking backlog sa mga kaso sa hukuman sa pamamagitan ng pagtatakda ng malinaw na target, mas mabilis na pagresolba ng mga kaso, dagdag na mga hukuman sa mga lugar at pagpuno sa mga bakanteng posisyon.
 
Dapat din anyang labanan ang korapsyon sa loob mismo ng sistema ng hustisya at itaguyod ang integridad ng hudikatura.
 
Ipinaalala pa ng mambabatas na napakaraming dapat gawin sa hudikatura kaya mangangailangan ng malawak, masinsinan at tuloy-tuloy na pagbabago na mararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino.

About The Author