dzme1530.ph

TRIAL CHAMBER NA DIDINIG SA CRIMES AGAINST HUMANITY NI DATING PANGULONG DUTERTE, BINUO NA NG ICC PRESIDENCY

Loading

Binuo na ng International Criminal Court Presidency ang trial chamber na didinig sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa limang pahinang dokumento, inanunsyo ng Presidency na ang Trial Chamber III ay binubuo nina Judge Joanna Korner, Judge Keebong Paek at Judge Nicolas Guillou.

Inatasan din ang ICC Registrar na magsumite ng kumpletong record ng pagdinig sa Trial Chamber III kabilang ang desisyon ng Pre-Trial Chamber I na nagkumpirma sa kaso.

Ang ICC Presidency ay binubuo ng tatlong elected judges na itinalaga bilang President, First Vice President at Second Vice President.

Hindi nagsasagawa ng pagdinig ang Presidency bagkus nagsisilbi lamang administrative authority na nangangasiwa sa mga kaso, kasama na ang pagtatalaga sa trial chambers at pagtiyak ng epektibong operasyon ng korte.

About The Author