dzme1530.ph

MAS MABABANG PRODUKSYON NG PALAY AT MAIS, INAASAHAN NGAYONG THIRD QUARTER, AYON SA PSA

Loading

Posibleng bumaba ang estimated production ng palay at mais sa third quarter ng 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Batay sa standing crop as of August, sinabi ng PSA na ang estimated palay production para sa July to September ay maaaring bumagsak sa 3.19 million metric tons.

Mas mababa ito ng 15% mula sa actual output na 3.75 million metric tons na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.

Samantala, inaasahang bababa rin ng 14.4% o sa 2.08 million metric tons ang corn production simula July to September mula sa 2.43 million metric tons noong third quarter ng nakaraang taon.

Matatandaang apat na bagyo ang tumama sa sektor ng agrikultura simula Hulyo hanggang sa unang bahagi ng Setyembre.

About The Author