![]()
Sasabak sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at US President Donald Trump sa bilateral meeting sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Foreign Affairs-ASEAN Office Executive Director Dominic Imperial, inaasahang darating sa Manila si Trump sa Nov. 17.
Wala pang inilalabas na agenda ang DFA hinggil sa naturang meeting, subalit una nang ipinahiwatig ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na may iaanunsyong deal sa pagbisita ng US President sa Pilipinas.
Sinabi ni Teodoro na ito ay hard grants ng equipment at capabilities, kaya walang cash na involved.
Inihayag ni Imperial na inaasahan din ang pagdalo ni Trump sa ASEAN-US Special Summit kung saan inaasahang tatalakayin ng American President at Southeast Asian leaders ang mahahalagang isyu.
Bukod kay Trump, inaasahang magkakaroon din ng bilateral meetings si Pangulong Marcos sa mga lider ng Australia, Brazil, Japan, at South Korea.
