Wala pang natatanggap na ulat ang Philippine Embassy sa Jakarta kung mayroong mga Pilipino na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Indonesia.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), mahigpit nilang binabantayan ang epekto ng pagbaha at pag-agos ng lahar sa mga Overseas Filipino Workers at Filipino communities sa West Sumatra sa pamamagitan ng kanilang Migrant Workers Office sa Singapore na nakikipagtulungan sa Philippine Embassy sa Jakarta.
Sa pinakahuling tala, umakyat na sa apatnapu’t isa ang bilang ng mga nasawi habang labimpitong iba pa ang nawawala bunsod ng flash floods at cold lava flow mula sa Mount Marapi na pinaka-aktibong bulkan sa Sumatra Island.