![]()
Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na bawat sentimo ng kanyang ari-arian ay mula sa lehitimong pinanggalingan at may kaukulang dokumento.
Kasabay nito ang pagtanggi sa mga akusasyon na nagkamal siya ng hindi maipaliwanag na kayamanan, na tinalakay sa impeachment process laban sa kanya.
Sa Facebook post, sinabi ng Bise Presidente na simple lang ang sagot niya sa lahat ng paninira sa kanya.
Aniya, malinis ang kanyang service record at hindi siya kailanman nagkaroon ng kaso sa paggamit sa pondo ng bayan.
Idinagdag ni VP Sara na lahat ng kanyang ari-arian at pera ay deklarado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
