![]()
Mahigit 141,000 personnel mula sa PNP at partner agencies ang ide-deploy sa buong bansa para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa Undas.
Sa press briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co na ipakakalat ang kabuuang 141,172 personnel na mula sa PNP, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.
Katuwang din aniya ang force multipliers o mga tanod at iba pang non-government organizations.
Inihayag ni Co na ide-deploy ang personnel sa transport hubs, gaya ng airports, seaports at bus terminals, sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magsisiuwi sa mga lalawigan para gunitain ang All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nov. 1 at 2.
Mananatiling naka-full alert ang PNP hanggang sa Nov. 2, at posibleng i-downgrade o bawiin ang status sa Nov. 3, depende sa sitwasyon at pangangailangan para sa mas maigting na seguridad.
